Wednesday, February 16, 2011

Is There Anything Original in this World?

Lahat ng Tao GAYA-GAYA... Pilipino ka man, Amerikano o kahit saang sulok ng mundo ka pa nanggaling...

Meron ba talagang ORIHINAL sa mundo? (wala akong maisip na orihinal sa mundo... may alam ka ba?)

Ultimo ang ginagamit kong mga salita ngayon sa blog ko ay hango sa iba't ibang wika o dialekto sa mundo... mapa ingles, kastila, pranses, italyano, arabo, jabacano, ilokano, bikolano at marami pa...

Mapa kultura man, sining, kasuotan, bahay, pagkain, produkto ay pareho pareho lang... iba lang ang tawag... iba lang ang pag gamit, ngunit iisa lang... may orihinal ba talaga?

Sa Kultura halimbawa ay makikita mo ang pagkakahambing natin sa mga nanakop satin... at makikita din natin na may kahambing ito sa mga nanakop sa kanila... (wag mo na akong tanungin kung ano pa yun... alamin mo mag-isa)

Sa Musika naman, kitang kita din ang pagkapare pareho.. sa Amerika meron silang hip-hop, meron din sa atin at sa iba't ibang parte ng mundo... kahit rnb pa yan, rap, po, jazz at kung ano ano pang genre ng music... parepareho lang!!! Sabihin mo ng iba't iba naman ang mga awitin... PERO. parepareho lang din naman ang tema ng mga ito.. LOVE, BETRAYAL, GOD, HOPE, CHILDREN, PEOPLE, COUNTRY etc... pare pareho lang. Tama ba ako? Pati mga mangaawit. Sa Amerika meron silang diva na si Mariah Carey, Sa Canada si Celine Dion, sa Malaysia si Siti Nurhaliza, Sa China sila Anggun, sa Hong Kong si Coco Lee at sa atin jusko... magtanong ka pa sino mga diva dito. Eh bayan ata tayo ng mga diva tulad ni Regine Velasquez na natatanging pinakamagaling na diva ng Asya! hehe...

Sa kasuotan.. lahat ng lalake naka short/pants, lahat naka-tshirt.. sa babae naka palda tapos blouse... ganun din sa mga bading... tapos kung mapapansin niyo din pati ang mga minorities naman na naka bahag lang, tapos mga babae nila ay may parang sarong.... magresearch kayo! makikita niyo... parepareho lang kahit saang lupalop pa ng mundo...

Kahit disenyo ng bahay ay magkakahambing ang lahat.... may bubong, bintana, pader at mga pinto.. may mga kwarto din... iba japanese inspired, iba zen, meron namang modern at mga bahay na bato... Pareho-pareho din...

Dito sa Pilipinas, makikita mo din na halos lahat ay GAYA-GAYA.

Sa ABS-CBN palang at GMA eh naggagayahan na... sa noontime shows may Eat Bulaga tapos ngayon may Happy Yipee Yehey, may Diva at may IDOL, may Banana Split tapos may Bubble Gang, Party Pilipinas at ASAP Rocks, pati game shows meron ang isa gagayahin naman ng isa... May the Buzz at meron din Showbiz Central! Tapos dadagdag pa ng isang major player, ang TV 5 kung saan meron din silang pangtapat sa mga nasabi kong shows ng dalawang networks... saan ka pa?! maraming pagpipilian... pero may orihinal ba na konsepto?!

Ano nga ba talaga nag punto ng blog kong ito? Nagrereklamo ba ako dahil puro gayahan nalang?

Minsan hindi dahil maraming pagpipilian, depende sa taste ng tao... Pero minsan naman oo... nagrereklamo ako, dahil puro gayahan nalang... wala bang bago? ibig sabihin ba nito walang ORIGINALITY ang lahat ng tao? eh bakit meron pang nagkakasuhan dahil sa pagnakaw ng konsepto o ideya?

Pero matawa ka man o sa hindi.. isa lang talaga ang dahilan bakit ako nagsulat ng blog tungkol dito...

                                                       photos: facebuko.com

When I was watching TV kanina.. i saw the commercial of Jollibee's new CokeFloat kung saan si Mareng Enchong ang model... Pero even before lumabas yung commercial, I already saw the Jollibee Cokefloat two weeks ago when i had my lunch there... So syempre, because I want to compare kung anong float ang mas masarap... is it Mcfloat or Jollibee Float.... My answer would be..... both... depende sa  panglasa...

McFloat kasi is more dry... hindi ganun kasweet yung syrup and icecream... so okay lang.. While sa Jollibee naman, sweet yung syrup and malasa yung icecream... BUT... madaming ice... LOL

Anyway, This is where I end my blog....

4 comments:

  1. Naunahan ako sa Jollibee Mc float!! haha--

    I may say mas masarap ang Jollibee float :)

    Misyu girl! ;p

    ReplyDelete
  2. ang cute ni Jollibee at ni Ronald... haha!!

    ReplyDelete
  3. hindi ka nauna noh! ako unang nakaisip mag blog about this... lol

    ReplyDelete