Marami siguro sa inyo ang napaisip sa title na napili ko... may iba sasangayon at may iba naman na hindi... okay lang sakin dahil lahat naman ng tao may sariling pananaw at paniniwala sa buhay.
Simula pa noong unang panahon takot na ang mga Pilipino sa pagbabago...
Noon maraming mga mananakop ang napadpad sa ating mga isla... mga Espanyol na pinamunuan ni Magellan, mga Amerikanong umano'y tumulong sa atin para makamtan ang kalayaan at mga Japon na sinasabing ang Pilipinas ay para sa Pilipinas lamang..
Marahil tama ang mga sinaunang Pilipino para hindi tanggapin ang pagbabagong inihatid ng mga mananakop na ito... Nagaklas at nag-alsa ang mga forefathers natin laban sa kanila... nakamtan ang kalayaan na ating tinatamasa ngayong mga panahon...
Ngunit...
Hindi ko lang maintindihan kung bakit... bakit hindi natin tinangap ang pagbabagong gusto nilang ihatid sa bansa natin noong mga panahon na iyon... kasi kung titingnan natin ngayon, halos lahat ng GUSTO ng Pilipino ay galing sa kanilang lahat.
Kristiyanismo na galing sa mga Kastila, magagandang bahay na bato at mga Unesco World Heritage sites tulad ng mga Simbahan sa Paoay at sa Vigan ...
Wikang Ingles, hotdog, yosi, Santa Claus, chocolate bars naman na galing sa mga Amerikano...
Disiplina, origami, haiku, pwede nadin ang sushi at kung ano ano pa ang galing sa Japan...
Takot nga ba ang Pilipino sa Pagbabago? Napaisip lang ako....
Napunta ko dito sahil Kay Kristia na blog.. naka asul kasi ang sulat at tinukoy ka eh.. (simpleng promotion lang hehehe) iniaadd na din kita at pinalo..
ReplyDeletemay punto ka sa iyong poste. Pero ako katotohanan ay hindi naman talaga takot ang pilipino sa pagbabago. Marahil noon, talagang nanindigan ang ating mga ninuno sa kanilang paniniwala at kanilang sistema.. nga lamang, naimpluwensyahan na tayo ng mga kanluraning bansa. Ang pagbabago ay laging nasa harap ng kahit sino, yan kasi ang permanente sa mundo sabi ng iba.
Sa panahon ngayon, sa nararanasan o naranasan ng sambayanang pilipino, naghahangad na talaga tayo ng tunay na pagbabago.
magandang araw po..
naligaw lang po... pasensya na at nabaso ko ang blog post mo ng hindi sinadya... tsismoso kasi ako eh...
ReplyDeletepwede po kayong gumanti sa blog ko... www.pasumangil.blogspot.com
musingan and istambay.. Thanks guys... =)) okay, ill be following your blogs in a jiffy.... thanks for the comments as well!
ReplyDelete